Photos from CIDG4-A
Huli sa akto ang isang lalaking nagbebenta online ng higit 100 pirasong mga endangered animals sa Sta.Cruz Laguna.
Naaresto ang suspek na si Paulo Mendoza sa ikinasang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group CIDG Laguna kasama ang Department of Environment and Natural Resources DENR 4-A noong Biyernes ng gabi.
Naaaresto si Mendoza nang bentahan niya ang isang pulis na bibili ng hayop na nagpanggap na poseur buyer .
Kasong paglabag sa Republic Act No.9147 (Wildlife Protection Act ) ang kanyang kinakaharap kung saan narekober ang 138 pirasong leopard gecko reptile ,6 pirasong tarantula; 6 piraasong scorpion; 16 pirasong ball phyton snake; 1 pirasong Beard dragon reptile; 16 [irasong progenies snake; 2 pirasong tag1000 pesos at 22,000 pesos na boodle money.
Sa ulat ng mga otoridad, hinanapan ng kaukulang permit ang kanyang tindahang Geckos Under The Mountain Shop ngunit wala umano itong naipakita sa DENR. Isang certificate of Wildlife Registration CWR lamang ang kanyang pinakita sa mga otoridad ngunit wala doon ang permit sa pagbebenta ng wildlife animals.
Agad na tinurn over na ng DENR4-A sa Regional Wildlife Rescue Center sa Calauan, Laguna ang mga nakumpiskang hayop.