Opisyal ng rebeldeng NPA, patay sa bakbakan sa Quezon

NAUWI sa engkwentro ang tropa ng militar at apat na miyembro umano ng New Peoples Army nang  magpang-abot sa pangingikil sa mga residente sa  Polilio ,Quezon kahapon .

Napatay si alyas Facio  na isang Political Instructor ng Pltn  2 Yunit Gawaing Masa YGM at miyembro ng Kilusang Larangang Guirilya KLG Narciso na may katungkulan bilang 3rd Deputy Secretary  ng Sub-Regional Military Area SRMA 4-A.

Base sa ulat,nagpapatrol ang 1st Infantry Battalion sa So Saging,Brgy.Binibitinan ng may apat na armadong rebelde ang  nangingikil at nanakot sa mga residente roon.

Nagpalitan ng putok ang dalawang grupo na nagresulta ng pagkamatay ni alyas Facio habang ang tatlong kasapi ay mabilis na nakatakas .

Narekober sa pinangyarihan ang 1 M653 rifle, anti-personnel mines, hand grenade, mobile phones at iba pang subversive documents.

Kilala si alyas Facio bilang violator ng Human Rights and International Humanitarian Law sa naturang lalawigan na responsable sa pamamaslang sa mga military personnel sa Burdeos noong 2010.

Nagpapasalamat naman si Brigadier General Cerilo C Balaoro Jr., Commander of the 202nd Infantry (Unifier) Brigade sa mga residente ng Polilio dahil sa pakikipagtulungan sa mga tropa ng military.

Aniya, . “I sincerely laud the bravery of the concerned citizens for tipping off the presence of the CNTs in their communities. We can see now an emerging trend as people are getting emboldened to report any NPA activities, an affirmation of their trust and support to our security forces. At this point, I would like to reiterate my call to the remaining NPA members to go back to the fold of the law, abandon their violent ways and join the mainstream of society.

Nakikiramay rin aniya siya sa pamilyang naulila ni alyas Facio na nakipaglaban para maling  paniniwala na impluwensya ng CPP-NPA.

Hinihikayat rin ni Balaoro ang mga miyembro ng NPA na magbalik na sa kanilang pamilya at mamuhay ng mapayapa sa pamamagitan ng programa ng gobyerno na   Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).