Miagao, Iloilo – KINUMPIRMA ng Miagao Police Statio sa Iloilo na may sakay na 70 pasahero ang pampasaherong jeep na nawalan ng control at tumagilid habang binabagtas ang kurbada sa may Bry Maninila sa bayan ng Miagao, Iloilo noong Abril 19, 2025.
Ang insidente ay nangyari dakong 8:40 a.m. at sakay nito ang mga pasaherong mula Barangay Baong, Alimodian, Iloilo at papunta sanang San Joaquin town upang mag-iskuriyon.
Ayon kay Miagao Police Chief Maj. Richard Lao, ang mga pasyente ay dinala sa Miagao Emergency Clinic sa San Joaquin , Rep. Pedro G. Trono Memorial Hospital sa bayan ng Guimbal, sa Aleosan District Hospital at sa Western Visayas Medical Center in Iloilo City.
“We have 62 passengers treated as outpatients and 8 were confined. Despite the number of injuries, it was fortunate that no fatalities were reported. The jeepney’s maximum capacity was only 30,” dagdag pa ni Lao.
