May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

P1.2M halaga ng marijuana nasamsam sa live-in partner

Ni Cyrill Quilo

NASAMSAM ang P1.2 milyong halaga ng droga sa mag live-in partners sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Sta.Rosa City, Laguna, Martes ng gabi.

Umabot sa 10 kilong mga tuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska sa mga suspek na sina Wilhem Amoroso Duenas na kabilang sa High Value Individual (HVI ) at Diane Trisha Aguilar, 18, residente ng Zavalla Village II ext. Barangay Sinalhan.

Ikinasa ang buy-bust operation sa mga suspek bandang alas 11:29 ng gabi  kung saan umaktong bibili ng droga ang isang pulis kapalit ang P2,000.

Hinalughog din ang kanilang lugar kung saan narekober ang 33 pirasong nakaplastic wrapped na mga pinatuyong dahon ng marijuana na may bigat na 10 kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P1.2 milyon.

Nasa pangangalaga na ng Sta. Rosa City Police Station ang mga suspek na kinakaharap ang kasong paglabag sa R.A 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.