May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

P1.5-M shabu, baril timbog sa high value individual sa Rizal

Ni Alex dela Cruz

Camp MGen Licerio I Geronimo, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal –NAHULI ang isang 40 -anyos na high value individual na lalaki na may higit P1.5 milyong shabu sa ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy Pag-asa, Binangonan, Rizal , kahapon Sabado.

Sa ulat na natanggap ni PCol Felipe B Maraggun, Provincial Director Rizal PPO nakilala ang isang alyas , Charlie , 40 anyos makaraang matagumpay na isagawa ang operasyon ng Binangonan Municipal Drug Enforcement Team sa koordinasyon ng PDEA 4A matapos bentahan ng hinihinalang shabu ang isang pulis na umaktong posuer buyer.

Kumpiskado ang1 nakataling plastic at 8 pakete na may lamang hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na humigit kumulang 221.94 gramo na tinatayang may halagang PHP 1,509,192.00., 1 Smith and Wesson revolver, 4 piraso ng bala, 1 piraso ng belt bag, 1 unit ng cellphone, 2 piraso ng 1000 peso bill (recovered money) at 2 piraso ng 1000 peso bill na buy-bust money.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa wastong disposisyon. Samantala, kasalukuyang nakapiit naman ang naarestong suspek sa Binangonan Custodial Facility na nahaharap sa reklamong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A 10591 o Firearms Law.