CALAPAN CITY – Ipinamahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang halos P1 milyong halaga ng farm machineries sa Farmer’s Association ng Barangay Personas noong ika-5 ng Agosto.
Kabilang sa ipinagkaloob ang hand tractor, trailer, at water pump. Ayon kay Calapan City Mayor Paulino Salvador ‘Doy’ C. Leachon, malaki ang ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa ‘food security’ at ‘food sufficiency’ kaya’t tuloy-tuloy ang suporta ng pamahalaang lungsod.
Pinaalalahanan naman ni DOLE MIMAROPA ARD Mr. Emerito Narag Ph.D at ni OIC Provincial Head Mr. Ramezes Torres ang mga magsasaka na paka-ingatan at pagyamanin ang mga natanggap na kagamitan.
Nagpasalamat din si CASD OIC Ms. Pamela Rago sa mga naging bahagi ng tagumpay ng aktibidad.
