NASABAT ang ₱137 milyong hindi dineklarang vape products sa Manila International Container Port (MICP).
Tumambad ang mga vape products mula sa siyam na containers mula sa China na ideneklarang ibat-ibang produkto tulad ng karton, accessories ,packaging bag, kagamitan sa kusina, panloob, hanger ng damit, at sapatos matapos maglabas si MICP District Collector Atty. Geoffrey K. De Vera IV ng Alert Order.
Ang operasyon ay isinagawa matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang tipster na nakipagtulungan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS).
