June 18, 2024

The Insider News

Direct from the source

P2.7-M shabu nasabat sa checkpoint sa Calamba City

Ni Alex dela Cruz

Camp Gen.Paciano Rizal, Sta.Cruz ,Laguna – NASABAT ng mga operatiba ang tinatayang P2.7 Milyong halaga ng hinihinalang shabu at baril sa dalawang lalaking nakamotorsiklo  sa isang checkpoint na ipinatutupad ng Commission on Elections sa Manila South Road sa Purok2 Barangay Parian , Calamba City lalawigang ito .

Ayon kay Laguna police director police Col. Harold Depositar, nakilala ang mga suspek na sina alyas “Jerome” at “Christopher” .

Nasakote ng laguna PNP ang mga suspek dahil sa walang plaka ang kanilang sinasakyang motorsiklo at mga nakasinelas pa ang mga ito.

Nang usisain ng mga operatibawala ring rehistro ang motorat lisensya ang mga ito. Sinabi rin ng mga pulis na buksan ni Jerome ang kanyang dalang  backpack .

Nang buksan ang bag , nakakita ang pulis ng isang water pipe at patuloy na pinabuksan pang muli upang mainspeksyoning  maigi ang laman ng bag ng ga suspek.

Dito na tumambad ang isang cal.45 pistol, cal.22 magnum revolver , bala at pitong plastic sachets ng hinihinalang shabu na may bigat na 400grams na nagkakahalang P2.7 milyon.

Dinala na sa pulisya ang mga suspek na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Dangerous drugs Act at sa ipinatutupad na Comelec gun ban.