May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

P20 binayad ng ama matapos halayin ang sariling anak

Ni Alex dela Cruz

HUMIHIMAS na ng malamig na rehas ng isang 40-anyos na amang nagbigay ng 20 pesos sa kanyang anak matapos itong halayin sa Bgy. Santa Anastacia, Sto.Tomas City sa  Batangas.

Inaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Pedro Palenzuela  na tubong  Barangay Mabunga  ,Quezon.

Agad na dinakip ang suspek dahil sa bisa ng warrant of arrest  na inisyu ni Presiding Judge Ricuedo Policarpio Flores  ng Regional Trial Court sa Tanauan City, Batangas noong nakaraang  Marso 16 .

Nahaharap ito kasong rape at walang nirekomendang piyansa sa kanya.

Base sa salaysay ng biktima , dumating sa kanilang bahay ang kanyang ama  noong Nobyembre 4 ,2021  nang sapilitan itong dinala sa  kanilang kwarto saka hinubaran   .

Tinakot umano ng suspek na sasaksakin siya ng bolo kapag siya ay nagsumbong , ,kaya naman binigyan din siya ng halagang 20 pesos upang hindi magsumbong kahit kanino.