BUNGA ng pinaigting na seguridad at pagbibigay prayoridad sa kaligtasan ng mamamayan sa buong probinsya, Php 465,120.00na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa isang araw na Anti-Illegal Drug Campaign ng Quezon PNP.
Ayon kay PCol Ledon Monte , Provincial Director ng Quezon PNP , may kabuuang 22.8 gramo ng ilegal na droga na mayang nasamsam ng kapulisan mula sa 4 na drug personalities na nadakip sa magkakahiwalay na buy-bust operation.
Kabilang sa mga personalidad na nahuli sina alyas Denver na nadakip sa Brgy. 5 Poblacion sa Alabat, Quezon, si alyas Aldrine na nahuli sa Brgy. Daungan, Mauban Quezon, si alyas Renz naman ng Brgy. Lalig, Tiaong Quezon at si alyas Princess sa Brgy. Bocboc, Tiaong Quezon.
“Ang matagumpay na operasyon ay resulta at bahagi ng mariing pagtalima ng Quezon PNP sa mandato ng pambansang poulisya na tiyakin ang kaayusan at kapayapaan ng mamamayan sa lalawigan,” ayon kay PCol Monte.
“Nais kong bigyang-diin na ang kapayapaan at kaayusan sa ating probinsya ay mananatili at tinitiyak ko sa publiko na hindi tayo titigil hangga’t hindi nahuhuli at nauubos ang mga gumagamit ng illegal na droga sa lalawigan,” dagdag pa niya.
