NAHARANG ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang papasok na parcel na naglalaman ng mga ilegal na droga na may kabuuang tinatayang halaga na ₱480,400.00 sa Pasay City noong Enero 16, 2026.
Ang parcel ay idineklarang mga accessories at kendi, at ng sumailalim sa pisikal na pagsusuri nakita ang mga kahina-hinalang palatandaan na naglalaman ng humigit-kumulang 320 gramo ng pinatuyong marijuana (kush) na may tinatayang halaga na ₱480,000.00, pati na rin ang walong (8) vape cartridge na naglalaman ng cannabis oil na nagkakahalaga ng ₱400.
Ang mga nakumpiskang parcel aay ibinigay sa PDEA para sa wastong disposisyon at paglilitis sa inquest para sa paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, as amended) at Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).
