ARESTADO ang dalawang suspek na babae matapos isagawa ang buy-bust operation kontra ilegal na kalakalan sa isang gusali sa Barangay Santo Niño sa Plaridel Street Cebu City noong Mayo 19, 2026.
Narekober ng mga awtoridad sa isang commercial building ang humigit-kumulang 207 iba’t ibang unit ng laptop na may tinatayang halaga sa merkado na PHP 5.3 milyon .
Ang mga suspek ay mahaharap sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 7394, o ang Consumer Act of the Philippines.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG Mandaue CFU para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.
Sinabi ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., na ang accomplishment ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng organisasyon na protektahan ang mga consumer at tiyaking mananatiling legal at transparent ang kalakalan at komersyo.
“Patuloy nating paiigtingin ang mga operasyon na naglalayong protektahan ang publiko at tiyakin na ang mga transportasyon sa merkado ay naaayon sa batas,” ayon kay PGen Nartatez .
