NAKITA ng mga mangingisda ang mga palutang-lutang sa karagatan ng Zambales ang mga pakete ng shabu noong Martes.
Tatlong mangingisda mula sa Bgy. Matain, Subic ang nag-turn over ng humigit-kumulang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Zambales.
Ayon sa PDEA-Zambales, ang kontrabando ay bahagi ng mga floating shabu na nakita noong Oktubre 14 malapit sa Isla ng Lubang.
Ang mga nakuhang ilegal na droga ay dadalhin sa laboratoryo ng PDEA Regional Office 3 para sa pansamantalang pag-iingat at sususriing maigi saka dadalhin sa tanggapan ng PDEA national headquarters .
