
Camp BGen Vicente P Lim- NASAKOTE ang Php 680,000.00 halaga ng shabu mula sa tatlong High Value Individuals (HVI) sa isinagawang drug bust operation noong Pebrero 1, 2025, sa Brgy. San Francisco, San Pablo, Laguna.
Sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba mula sa Drug Enforcement Unit ng San Pablo City Police Station at Laguna Provincial Drug Enforcement Unit dakong alas-12:30 ng madaling araw naaresto ang mga suspek na sina alyas “Darwin,” 39; alyas “Bryan,” 37; at “Darren,” lalaki, 37, pawang mga residente ng San Pablo, Laguna, at na kabilang bilang HVI sa Drug Watchlist ng Laguna PPO.
Narekober sa mga suspek ang isang maliit na plastic sachet at isang knot-tied transparent plastic na naglalaman ng shabu na humigit kumulang 100 gramo ang bigat, na nagkakahalaga ng Php 680,000.00, kasama ang buy-bust money.
Pinuri ni PRO CALABARZON Regional Director, PBGEN Paul Kenneth T. Lucas, ang mga operatiba sa matagumpay na drug bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong HVI at pagkakakumpiska ng iligal na droga.
“Saludo ako sa kasipagan at kagalingan ng ating mga operatiba mula sa Drug Enforcement Unit ng Laguna at San Pablo CCPS. Ang pagkakahuli sa mga suspek na ito ay isang malaking tagumpay sa ating pulisya at mga mamamayan ng San Pablo,” ayon kay RD Lucas .
Agad na dinala sa Laguna Provincial Forensic Unit ang mga naarestong suspek at ang mga nakuhang ebidensiya para sa Drug Test at Laboratory Examination.
Inihahanda na ngayon ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng mga kaso laban sa mga suspek sa Paglabag sa Sec. 5 at 11, Art. II ng RA 9165 na kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022.