May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

P68-M ecstasy na ideneklarang dog food, nasabat sa NAIA

NASAKOTE ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport ang isang parcel na ideneklarang apat na sakong dog food na naglalaman ng ecstasy na galing sa bansang The Netherlands.

 Tinatayang may bigat na 13,989.56 gramo ang droga na nagkakahalagang  68 milyong piso ng dumating noong Marso 19.

Agad na dinakip ng mga awtoridad ang apat na katao na nag-claim ng parcel. na nagmula pa sa Cabanatuan , Nueva Ecija .

Mahaharap sa patong -patong na kasong paglabag sa RA 9165, the Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).