NANATILI ang lakas ng tropical storm Queenie na gumagalaw patungong Kanluran Timog-Kanluran sa Visayas at Mindanao region , habang si Paeng naman ay patungo na ng West Philippine Sea ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical and Astronomical Services Administration o PAGASA.
Sa inilabas ba bulletin ngayon alas 5 ng hapon , sa Miyerkules inaasahan si Queenie na patuloy na mananatili ang lakas sa susunod na 12 oras bago humina at maging tropical depression .
Ang sentro ng bagyo ay namataan sa 695 kilometro Silangang bahagi ng Timog -Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur o 755 km Silangan ng Davao City, at patuloy na kumikilos ng 25 km per hour pa Kanluran bahagi ng Timog-Kanluran na may hangin patungo sa may lakas na 65 kph malapit sa sentro at bugso na aabot sa 80kph.
Makakaramdam ng light to moderate at minsang paglakas ng ulan simula Martes sa hanggang Miyerkules ng gabi sa Caraga, Eastern Visayas at Davao Oriental . Samantalang pareho ding mararanasa ang lagay ng panahon sa ibang parte ng Caraga , Davao Region Northern Mindanao, Eastern Visayas , Central Visayas at Bicol region sa araw ng Huwebes.
Ayon pa sa PAGASA nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal ang bahagi ng Caraga at ibang parte ng Silangang Visayas .