HINILING ni Senate President Win Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) na magsagawa ng panibagong audit sa fuel pass-through charges upang matiyak na hindi sobra ang ipinapasa sa mga konsyumer sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng kuryente.
Ayon kay Gatchalian, dapat suriin ng ERC hindi lamang ang distribution charges kundi pati ang generation rates na ipinapataw ng mga kumpanya ng kuryente. Aniya, kailangang bantayan ang mga pribadong kompanya upang maiwasan ang labis na pagtaas ng singil na direktang ipinapasa sa publiko.
Binanggit ng senador na patuloy na tumaas ang retail rates ng mga residential customer ng Meralco mula Enero 2025, mula sa ₱11.74 hanggang ₱12.36 kada kilowatt-hour, na umabot sa ₱14.48 hanggang ₱15.10 kada kWh.
Sinabi naman ni ERC Chair Francis Saturnino Juan na huling nagsagawa ng audit ang ahensya sa pass-through charges noong 2023 kasunod ng epekto ng hidwaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Iginiit ni Gatchalian na mahalaga ang mas mahigpit na pagbabantay ng regulator upang maprotektahan ang mga mamimili laban sa hindi makatwirang pagtaas ng singil sa kuryente.
