May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado ipinaalala ng DOLE

Ni Len Dancel

NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer ang mandatoryong pagbabayad sa kanilang mga empleyado ng 13th month pay bago ang Disyembre 24.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma , mandato sa mga pribadong sector ang pagabayd ng benipisyo sa manggagawa  na katumbas ang isang buwang sahod.

“There is no exemption, no deferment. We recognize employers are still struggling. But according to the law, there is no exemption for the 13th month pay,” ayon kay Laguesma sa isang panayam sa radyo.

Aniya, maaari namang magkaroon ng kasunduan sa pagbabayd ng benipisyong ito dahil sa “That matter (special arrangement on the payment) is between the employer and employees. They can just come to an agreement. We have not overcome the pandemic, but we need to understand the condition of the workers. In order for our relationship to be happy, I hope we grant them what is set by the 13th month pay law,” dagdag pa niya.

Base sa Presidential Decree 851 obligado ang mga employers sa pribadong sektor ang pagbabayad sa kanilang regular na empleyado ng 13th month pay.