June 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

Pagkapanalo ng Pilipinas sa 2016 Arbitral Ruling dapat ipagmalaki sa mga forum

NARARAPAT na palakasin ng Pilipinas ang posisyon nito sa pagitan ng alitan sa teritoryo at angkinin ang tagumpay nito sa 2016 Arbitral Ruling sa anumang forum .

Sinabi ni Senator Francis “Tol” Tolentino ay nagsabi noong Miyerkules sa gitna ng deliberasyon sa Archipelagic Sea Lanes (ASL) law, isinusulong nito ang pagdagdag ng probisyon na magbibigay-diin sa 2016 Arbitral Ruling na pabor sa Pilipinas.

“Ang lahat ng magpapalakas sa mga parangal at magpapalakas sa ating posisyon ay dapat ipag-angkin kahit saang forum,” pahayag ng Senador.

Idinagdag niya na kapag ang batas na may kinalaman sa ASL ay naipasa at sa huli’y tinanggap ng International Maritime Organization (IMO), maaaring palakasin nito ang posisyon ng Pilipinas sa patuloy na alitan sa teritoryo at agresyon ng kalabang mga bansa.

Ipinahayag naman ni Department of Justice Senior State Counsel Fretti Ganchoon ang pangako ng ahensya na pag-aralan ang suhestiyon ni Tolentino sa pagbuo ng nasabing probisyon.