February 29, 2024

Pagkuha ng Special Permit na bibiyahe sa Undas , inumpisahan na

NAG-ABISO na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  na tumatanggap na sila ng  aplikasyon sa mga nagnanais na kumuha ng Special Permit (SP) na magagamit para sa nalalapit na Araw ng mga Santo.

Ang aplikasyon ay matatapos sa ika-6 ng Oktubre ngayong taon at tatagal ang bisa nito simula sa ika-30 ng Oktubre hanggang sa ika-3 ng Nobyembre 2023.

Upang makakuha ng SP ay kinakailangan ang mga dokumentong LTO OR/CR, Valid Personal Passenger Accident Insurance Policy at  para sa mga juridical entity, Board Resolution at/o Secretary’s Certificate ng awtorisadong signatory.

Gayunman, ang mga nabanggit na dokumento ay maaari pa ring magbago batay sa desisyon ng LTFRB Board.

Maaari rin na payagan ng ahensya ang hanggang 30% lamang ng kabuuang bilang ng awtorisadong yunit sa bawat operator ng isang ruta .