SINIBAK sa pwesto ang acting Superintendent of the Davao Prison and Penal Farm makaraang makapuga ang isang naarestong person deprived of liberty (PDL) .
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ni-relieve sa pwesto si Superintendent Rufino Martin kahapon, Lunes makatapos nitong huling maiulat ang naganap na pagtakas ng PDL Jundee Cañon sa minimum security compound noong Setyember 13.
Si Caño ay naaresto lamang nitong Setyembre 17 makaraang ipadala ang ulat sa BuCor ngayong araw lamang .
Naiulat lamang ang pagtakas ni Caño matapos ang isinagawang hot pursuit operation sa tulong ng Damulog Municipal Police Station.
Sinabi pa ni Catapang na dapat kaagad na iulat sa kanya ang “untoward incidents” at hindi siya ang huling nakaalam nito.
Sana ay magsilbing aral rin ito sa iba pa, babala rin ni Catapang .