
MAHIGPIT na pinapatupad ng Coast Guard Station Isabela ang “heightened alert status” bilang pagsunod sa Oplan Biyaheng Ayos : Barangay and sanguguniang Kabataan Elections 2023, para masiguro at mapanatili ang kaayusan ng seguridad sa pantalan ng Isabela City, Basilan Province simula ngayong araw ika-25 ng Oktukbre hanggang ika-30 ng Oktubre 2023 para sa nalalapit na halalan.
Layunin ng CGS Isabela, ang ligtas at maayos na kapakanan ng bawat pasahero at botante na sasakay sa pampublikong sasakyang pandagat sa pantalan ng Isabela City.
Katuwang ang Coast Guard Sub-Station Central Pasangen, Coast Guard Sub-Station Malamawi, CG Medical Center-SWM, MEP Group-Isabela, Coast Guard K9-Isabela, HRMU-CGS Isabela at MSSU-SWM, sa pagtitiyak sa ligtas at maayos na biyahe sa nasasakupan ng Isabela City, Basilan Province.