February 25, 2024

Pasaherong tumalon sa LRT1 naputol ang binti at nagasgas ang ulo

Ni Alex dela Cruz

BALIK operasyon na ang LRT 1 matapaos tumalon ang isang 26-anyos na  lalaki sa riles ng tren sa bahagi ng southbound Blumentritt Station kaninang umaga.

Ayon sa Department of Transportation bigla na lamang tumalon ito sa LRT 1 habang paparating ang isang tren kaya naman agad na  tinapakan ng operator ang emergency brake .

Agad na ipinatupad provisional service mula sa Baclaran hanggang Central Station kaninang alas 6:12 ng umaga .

Nailigtas ng first reponders ang pasahero na nagtamo ng gasgas sa ulo at naputol ang kanyang kaliwang paa.

Agad siyang isinugod sa pagamutan at kasalukuyang nasa stable condition.

Ibinalik na sa normal ang operasyon sa LRT 1 station mag-aalas 7 ng umaga.