February 25, 2024

Pasyente sa isang ospital sa Quezon , patay ng aksidenteng malaglag

Ni Glen S Ramos

Lucena City – Namatay ang isang pasyete, makaraang aksidenteng malaglag sa loob ng gusali ng Quezon Medical Center (QMC) noong Martes, Oktubre 11, 2022 ng hapon sa Lucena City, Quezon.

Ayon sa report ng Lucena City Police Office, ang biktima ay kinilalang si Exequiel Delica Rioflorido, 42-anyos na lalaki at residente ng Barangay Sto. Cristo, Sariaya, Quezon.

Ang insidente ay naganap bandang alas 3:00 ng hapon habang hinihintay ng biktima ang kaniyang asawa at sinubukan itong silipin mula sa ikalawang palapag ng ospital.

Sinubukan pa umano itong i-revive ng mga nurse ang biktima ngunit binawian rin ito makaraan ang ilang oras.

Ang biktima ay na-confine sa ospital at palabas na rin sana ng ospital ng araw na iyon matapos masalinan ng dugo dahil sa mababang hemoglobin.

Nilinaw din ng otoridad na isang insidente lamang ang nangyari at hindi nagpakamatay ang biktima.