June 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

PCG ipinadala ang BRP Gabriela Silang sa Batanes, Benham Rise

Ni Alex dela Cruz

ITINALAGA ng Philippine Coast Guard ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) para sa dalawang linggong misyon sa Batanes at Benham Rise.

Magpapatrolya ang barko simula ngayong araw, ika-4 ng Marso 2024 ayon ksa Commandant ng Philippine Coast Guard (PCG), CG Admiral Ronnie Gil L Gavan,

Ang nasabing barko ay magpapatrolya sa mga karagatan sa paligid upang isagawa ang maritime domain awareness, palakasin ang presensya ng Coast Guard sa Hilagang Luzon, at bantayan ang mga lokal na mangingisda.

Sinabi ni PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo,”Dadaluhan din namin ang iniulat na mga Chinese research vessels sa Benham Rise,” .

Ang mga air asset ng Coast Guard Aviation Force ay naka standby para sa posibleng pagtulong lalo na sa paggawa ng aerial surveillance.