June 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

PCG ni-rescue 6 pasahero ng nasiraang motorbanca sa Surigao del Norte

NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard (PCG)  ang anim na pasahero sa isang motorbanca na nanganganib sa malapit na karagatan sa Kalangugan, Barangay Rizal, Socorro, Surigao del Norte.

Ang motorbanca ay umalis mula sa Feeder Port sa Barangay Navarro, Socorro, Surigao del Norte, patungo sa Barangay 12, Catabaan, Dapa, Surigao del Norte.

Habang naglalakbay  isang malakas na hangin kasunod ang malalaking alon, na nagdulot ng pagkasira sa rudder ng motorbanca kaya naman nawalan ito ng kontrol sa pagmamaneho.

Ang Coast Guard Station Bucas Grande ay nagligtas ng anim na pasahero at hinatak ang motorbanca patungo sa Port ng Socorro, Surigao del Norte.