June 15, 2024

The Insider News

Direct from the source

Pekeng BFP tiklo sa kasong Estafa

TIKLO  ang dalawang lalaking nagpakilalang konektado  umano sa Bureau of Fire na nangingikil sa mga negosyante .

Agad inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIGD) ng Philippine National Police  ang mga suspek na sina Joben Brian Gutietez at Henry Halaghay sa isang entrapment operation nang kukunin sa remittance center sa Rodriguez, Rizal.

Ayon sa Region 3 director  na si F\ Supt. Roy Aguto , ginagamit ng daawang suspek ang kanyang pangalan  upang makapang solicit sa ilang negosyante para sa isang gagawing aktibidad  kaya naman agad na nakipagugnayan ito sa CIDG .

Base din sa imbestigasyon na posibleng may kasabwat pa ang mga suspek na siyang nagtuturo ng taong kailangang padalhan ng sulat.

Sinabi rin ni PMaj.Leopoldo Cajipe Jr. ang provincial officer ng  CIDGG Rizal , lumalabas sa record ng pulisya, nakulong na din ang dalawa  noong 2018 matapos gamitin naman ang pangalan ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte na kanila umanong kamag-anak , ngunit nakalaya rin matapos makapagpiyansa . Kasong estafa ang kinakaharap ng dalawang suspek.