IBINASURA ng Supreme Court Second Division ang legal remedies na inihain ng dating police official na si Rafael Dumlao III, ang pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick-Joo noong 2016 sa loob ng Camp Crame.
Nakasaad sa resolusyon nitong Hunyo 30, 2025, tinanggihan ng Korte Suprema ang petisyon ni Dumlao ang injunction at Temporary Restraining Order (TRO) sa G.R. No. 275729. Tinanggihan din ng Korte ang petisyon para sa pagsusuri sa certiorari sa G.R. No. 277013 para sa kawalan ng malaking batayan upang magkaroon ng karagdagang pagsusuri.
Si Dumlao, ay nananatiling pinaghahanap ng Philippine National Police – Crime Investigation and Detection Group, at ng Armed Forces of the Philippines na may suportado ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
May isang ₱1 milyon na reward ang alok para sa makakapagbigay ng impormasyon upang siya ay maaresto .
Ang pagsisikap na ito ay bahagi ng pangako ng pamahalaan na tiyakin
pananagutan, palakasin ang ugnayan sa Korean Embassy, at
ipakita ang sistema ng hustisya ng bansa ay umiiral.
Ayon kay PAOCC Undersecretary Gilberto DC Cruz, “alinsunod sa direktiba ng administrasyon, ginagawa namin ang lahat ng pagsisikap upang mahanap at mahuli si Rafael Dumlao. Ito ay bahagi ng aming pangako sa pamilya ng biktima, sa aming mga kasosyo sa Korean Embassy, at sa pagtataguyod ng integridad ng aming sistema ng hustisya.”
