PUMALO sa Dagupan City Pangasinan ang pinakamataas na heat index kahapon na sa 42 degrees celsius.
Ayon sa PAGASA, ito na ang ikalawang beses ngayong taon kung saan naitala sa Dagupan City, una ay noong nakaraang Marso 26 .
Itinuturing ng PAGASA na lubhang mapanganib ito dahil sa maari itong magresulta ng heat cramps at exhaustion lalo na ang heat stroke.
Kaya naman patuloy ang paaalala ng PAGASA sa mga naninirahan sa naturang lugar na uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang mga malalang pagkakasakit na maaaring makuha sa mainit na panahon.
