KUMPIRMADO na pagkamatay ng isang Pinay sa isinagawang airstrike sa Israel matapos itong matamaan ng shrapnel sa ulo .
Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa isang video message nitong Linggo ng gabi na nasawi ang isang 32-anyos na caregivier na si Mary Anne Velazquez Rivera ng Pangasinan nang tamaan ito ng sharpenel sa ulo habang habang tinutulungan ang kanyang ward na makarating sa isang bomb shelter sa Israel.
“Ikinalulungkot ko na meron po tayong natanggap na report na meron pong casualty na Pilipino dito po sa giyera na nangyayari sa Middle East. Nareport po sa atin ay namatay po ang isang Mary Anne Velazquez Rivera na taga-Pangasinan,” ani ni PBBM.
“Siya po ay isang caregiver sa Israel na tinutulungan ang kanyang alaga para dalhin sa bomb shelter ngunit hindi na po naka-abot sa bomb shelter at inabutan na sila bago sila nakarating. Siya ay namatay dahil tinamaan ng shrapnel ng mga bumagsak na bomba,” dagdag pa ng president.
Sinabi ng Pangulo na ang biktima ay nakilala ng kanyang asawa, na isa ring overseas Filipino worker na nagtatrabaho sa Israel.
Tiniyak ni Marcos sa naulilang pamilya na ibibigay ng gobyerno ang lahat ng kinakailangang tulong, kabilang ang tulong pinansyal at iba pang suporta na maaaring kailanganin nila sa mahirap na panahong ito.
“Lahat po ng tulong na kailangan ng kanilang pamilya ay ihahatid ng ating pamahalaan,” sabi pa ni Marcos.
Inihayag rin ng Pangulo na ang mga awtoridad ay nananatiling nasa heightened alert habang nagpapatuloy ang mga tensyon sa rehiyon,
