Photo courtesy Bayan Muna
NAKATAKDANG talakayin ng ngayong araw ng Lunes, Marso 2 ng House Committee on Justice ang impeachment complaint na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte.
Bilang suporta sa impeachment complaint laban sa Bise Presidente, nagsasagawa ng kilos protesta ang mga miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ngayong umaga ng Marso 2, Lunes sa harap mismo ng South gate ng Batasang Pambansa sa lungsod Quezon
Matatandaang , kabilang ang mga lider ng Bayan ang mga lumagda sa unang impeachment complaint laban kay VP Sara.
Hinamon ng Bayan ang mga mambabatas na nag-impeach kay Duterte noong 2025 na suportahan ang bagong impeachment upang agad itong maipadala sa Senado.
Idinagdag nito na ang pag-impeach kay Duterte ay kabilang sa mga hinihingi ng kilusang anti-corruption na nananawagan para sa pananagutan ng mga matataas na opisyal ng bansa na sangkot sa large -scale corruption.
