NAREKOBER ang isang plastic sachet na hinihinalang shabu sa sahig nang mag-inspeksyon ang mga marshal sa Port of Batangas sa Barangay Sta. Clara, Batangas City.
Habang nagsasagawa ng interdiction operation ang mga operatiba ng PDEA Regional Office 4A Batangas Seaport Interdiction Unit, PPA PMO Batangas, Port Police Division, PCG Sub-Station Batangas CGSS Batangas City, PCG CGK9 EOD Team Batangas, at PNP Martime Group, Batangas Maritime Police Station
nitong Mayo 29, 2025 bandang ala- 5:00 ng hapon narekober ng mga otoridad ang isang piraso ng plastic sachet na itinapon sa sahig ng marhaling area na naglalaman ng humigit kumulang na 0.01 gramo at nagkakahalaga ng Ph680.00.
Ang narekober na ebidensya ay dadlahin sa PDEA Region 4A Laboratory Section upang dumaan sa chemical analysis.
