PNP, handa na sa simbang gabi

Ni Alex dela Cruz

Naka- full alert status na ang mga awtoridad  simula ngayong araw ng Simbang gabi.

Aaabot sa 192,000 o 85porsyento ng kapulisan ang ipapakalat sa ibat-ibang lugar sa buong bansa upang masiguro ang seguridad ngayong holiday season.

Ayon kay PNP Chief Pol. Gen. Rodolfo Azurin Jr., naglabas siya ng direktiba upang dagdagan ang presenya ng kapulisan sa mga simbahan o matataong lugar.

Kaya naman maaaga na ding idinaos ng mga pulis ang kanilang Christmas party upang mapaghandaan ang holiday.