May 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

Programa at proyekto ng National Commission for Muslim Filipinos inilatag

Ni Chris Lucas

INANUNSYO ng National Commission for Muslim Filipinos sa harap ng mga mamamahayag ang apat na flagship projects na ahensya na naglalayong makatulong sa mamamayang Pilipino, Muslim man o hindi.

Ang nasabing apat na proyekto ay ang mga sumusunod: 

-NATIONAL MEDICAL/DENTAL MISSIONS

-MANPOWER POOLING DATABANK

-MICRO-CREDIT 

-BARANGAY ASSEMBLY FOR PEACE & INTERFAITH

Ayon kay  Director for Planning Service ng NCMF na si Haidee Ampatuan, mayroong inisyal na 2 milyong pisong pondo ang ahensya na nakalaan sa micro-credit program at sa kasalukuyan ay nasa fine-tuning stage na ang polisiya at guidelines para sa pagpapautang nang walang interes.

Sabi naman ni Commissioner Yusoph J. Mando plano ng ahensya na makipag-ugnayan sa iba pang mga government agencies para maisakatuparan ang Manpower Data Pooling Program kung saan, madali nang maihahanay ang mga manggagawa ayon sa kanilang mga skills at depende sa vacancies sa loob at labas ng bansa.

Dagdag pa rito, ang Barangay Assembly for Interfaith and Peace Dialogue ay naglalayong maging tagamayapa o peacemaker ang bawat Pilipino at upang maisulong pa ang kapayapaan sa buong bansa.

At sa huli, layunin ng Nationwide Medical/Dental mission tugunan ang pangangailang medikal ng mga Pilipino muslim at ito  ay nakatakdang isagawa sa nasasakupan bg 11 regional offices ng Ahensya.

Ayon naman kay Executive Director Tahor S  Lidasan, ang mga nabanggit na programa at proyekto ay alinsunod sa adhikain ni Pangulong BongBong Marcos na Kabuhayan,  Kabuhaya  at Kapayapaan.

Ang nasabing mga proyekto ay inaasahang operational na bago o pagsapit ng first quarter ng susunod na taon.