NAPASLANG ang isang babaeng prosecutor ang pinaslang nitong Lunes habang pauwi sa kanyang tirahan sa Digos City, Davao Del Sur.
Ang napatay na biktima ay nakilalang si Eleanor Dela Peña, 54, assistant provincial prosecutor ng Davao Occidental.
Mariing kinokondena ng Integrated Bar of the Philippines ang pagpatay kay Dela Peña, na dating presidente ng IBP-Davao City.
Si Dela Peña ay nagmamaneho ng kanyang pick-up truck nang pagbabarilin sa ulo sa Chapter 8, Tienda, Bgy. Aplaya sa Digos City nitong Lunes ng hapon.
Ang suspek ay agad namang natukoy ng pulisya na 56-anyos half- brother ni Dela Peña na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril ngunit siya ay naaresto sa isinagawang followup operation.
Tinitingnan ng pulisya ang alitan sa lupa bilang posibleng motibo sa pagpatay.