NATAGA ang pulis makaraang rumeponde sa na nag-amok na lalaki nitong Miyerkules ng madaling -araw.
Sa ulat ng pulisya ,may nangyaring mainit na pagtatalo sa sakahan ng isang Alex Principe sa Barangay Tibatib ,Cavinti sa Laguna bandang 4.15 ng madaling araw.
Nag-amok si Tonton Mahinay alyas Tontong na tubong Bacolod kung saan pinataga sa kanang bahagi ng ulo ang biktimang si Robert dela Torre na kanyang nakasagutan .
Nang rumesponde ang pulisya agad na pinapasuko ang naaaktuhang suspek na may bitbit na jungle bolo at sinabihang sumuko sa otoridad.Papapalapit na sana ang suspek at inaakalang susuko ay agad naman nitong tinaga sa ulo at kamay si Patrolman Genesis Lucero.
Itinakbo kaagad ang dalawang biktima sa Laguna Medical Center upang lapatan ng lunas ang kanilang mga sugat.Pinuri ni Laguna Acting Provincial Director PCol.Rogarth Campo si Pat Lucero nang dalawin sa pagamutan at nag-abot ng financial assistance sa pamilya nito
.Aniya,binibigyan ko ng papuri si Patrolman Genesis Lucero sa ipinakitang nyang tapang na harapin ang panganib.Hindi siya nagdalawang isip na gawin ang ikanyang tungkulin para maging ligtas ang iba.