UMARANGKADA na sa kalsada ang libreng pampasaherong e-QCity bus ngayong hapon , Oktubre 19 .
Sinimulan ng mga mananakay ang libreng sakay ng isa sa mga bus na bumaybay mula sa North Avenue patungo sa EDSA Munoz .
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte , magiging maayos at komportable ang mga pasaherong sasakay sa e-bus.
Nasa walong e-bus na ang binili ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na siyang magbibigay ng libreng sakay sa mga residente ng naturang lungsod.
