NAGBABALA ang local na pamahalaang lungsod ng Quezon na maaaring umabot sa u 42°C ang max heat index sa susunod na 24 oras o tinatayang bukas , araw ng Lunes.
Ayon sa datos ng iRISE-UP may babalang “danger “ o mapanganib sa kalusugan ang maaaring mangyari dahil sa tindi ng init ng panahon.
Kaya naman nagpaalala ang Quezon City Government sa mga mamamayan nito sa pagsapit ng mainit at maalinsangan na panahon.
Maaaring magdala ng panganib ito sa ating kalusugan gaya ng pagkahapo (exhaustion) heat cramps, at kung hindi maagapan ay pwedeng ma- heat stroke.
Upang maiwasan ang panganib na dulot ng matinding init, dalasan ang pag inom ng tubig at kung maaari, iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw. Maliban dito, makatutulong kung magsusuot ng presko at light-colored na damit.
Sinabi ng Quezon City government na maaaring malaman ang Heat Index ng isang lugar gamit ang iRISE-UP ng QCDRRMO.
Makikita sa https://app.IRISEUP.ph ang real-time weather updates at forecasts; mga datos mula sa mga weather models at instrumentong nakalagay sa strategic areas sa ating lungsod.
