
NAGHAIN ng panukala ang isang kongresista na imbestigahan sa Kamara ang di-umanoy raket sa likod ng pagpapautang ng Land Bank of the Philippines (LBP).
Sa inihaing House Resolution 2543, partikular na pinuntirya ni House Assistant Majority Leader Nina Taduran ang mga tiwaling opisyal ng bangkong pag-aari ng pamahalaan kung saan aniya nagsisilbing tagapamagitan – kundi man fixer – ang mga tiwali sa mga loan applications na isnusumite sa nasabing financial institution.
Sa ilalim ng modus, ginagarantiyahan umano ang approval ng mga loan applications sa kundisyong 10% ng halagang hinihiram sa naturang bangko ay ibibigay sa nag-aareglo.
“Dapat na agarang imbestigahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pangyayaring ito lalo na’t napakalaki ng mga pautang na may kinalaman dito, nagagamit ang isang pinansyal na institusyon ng pamahalaan, at ang epekto nito sa publiko na posibleng hindi na pagkatiwalaan ang sistema ng bangko,” ayon sa lady solon, kasabay ng pagtukoy sa isang negosyanteng diumano’y nabiktima ng mga tiwaling opisyal ng naturang bangko.
Aniya, isang Alberto Ching na tumatayong presidente ng kumpanyang American Boulevard ang nagsumite ng loan application sa halagang P50-milyon. Subalit nang aprubahan ang naturang loan application, hindi nakuha ng buo ang inutang na halaga.
“The borrower was given all sorts of excuses and was coaxed by the ‘agents’ to apply for another P50 million loan. Still, the release of the loan proceeds was delayed and incomplete,” kwento pa niTaduran.
Sa laki ng nawalang halaga, hindi naisakatuparan ng naturang negosyante ang planong ‘re-structing’ ng kumpanya – dahilan para tuluyang malugi at magsara.
Bukod sa hindi na umano nakabayad sa bangko, nawalan pa ng trabaho ang kanyang mga empleyado.
Sa pagnanais malinawan, sinubukan niya umanong makipag-ugnayan sa bangko.
“Ang tanging tugon ng bangko ay nagsagawa na sila ng panloob na imbestigasyon at tinanggal na ang mga empleyadong may kinalaman sa pangyayari bukod sa sinampahan sila ng kaso.”
Hindi lang rin umano si Chin ang nabiktima ng sindikatong binubuo ng mga opisyal at empleyado ng naturang government-operated banking institution. Patunay aniya nito ay ang 30 iba pang nangutang ng kabuuang halagang P100 milyon – “Lahat sila lalong nalubog sa pagkalugi.”
ayron pang 30 iba pa kung saan ang mga in-applayan na utang ay humigit-kumulang sa P100 million.
“Considering the huge amounts of the loans, it is highly improbable that low-ranked LBP employees acted without the cooperation/approval of the higher-ups.”