DALAWANG oil companies ang magrorollback bukas, araw ng Martes sa mga produktong petrolyo .
Inanunsiyo ng Pilipinas Shell at Sea Oil Philippines, P2.30 kada litro ng gasolina ang ibabawas sa umiiral na presyo, habang P1.85 naman sa krudo at P1.65 naman sa kerosene.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), lumalabas na 12.56% lang ang katumbas na rollback kumpara sa kabuuang halagang dagdag-presyong ipinataw mula buwan ng Enero.
Sa hanay ng mga local oil companies, wala namang ipatutupad na bawas-presyo sa kerosene ang Clean Fue at Petro Gazz, bagamat sinabing maging sila’y magtatabas sa pump price ng gasolina at krudo.