June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

Resort owner sa Batangas natagpuang patay

Ni Alex dela Cruz

NATAGPUANG patay ang isang 73-taong gulang na babaeng nagmamay-ari ng isang resort  sa Bgy. Durungao, Bauan, Batangas noong Lunes.

Sa ulat na nakarating kay Batangas Police Provincial Office director Col. Jacinto Malinao Jr. , nakilala ang biktima bilang si Carmen Maranan, may-ari ng Maranan Resort sa Sitio Gintuan sa Bgy. Durungao, bayan ng Bauan.

Ang biktima ay ang ina ng Bgy. Durungao chairman na si Arnel Maranan.

Ayon inisyal na imbestigasyon ni, natagpuan ang duguan at wala ng buhay ang biktima bandang alas- 7:30 ng umaga noong Lunes sa kanyang tinitirhan  na Maranan Resort.

Sa pagsisisyasat ng mga awtoridad , may tama sa ulo ang biktima na posibleng hinampas ng vase ng bulaklak.

Natagpuan naman ng anak ng biktima na si Jenny Cortez Maranan ang kanyang ina na wala ng buhay.

Ayon pa sa ibang mga nakasaksi na magulo ang bahay at natagpuan ang bag ng biktima kung saan nakalagay  ang sales ng resort.

Nakita rin sa  CCTV ang nakatalukbong na tao noong gabi ng krimen.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek habang patuloy ang imbestigasyon sa pangyayaring krimen.