February 29, 2024

Ricardo Cepeda huli sa kasong Estafa

Ni Len Dancel

HINULI ng mga  tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang aktor na si Ricardo Cepeda hinggil sa kasong kinasasangkutan na syndicated estafa sa Caloocan City.

Batay sa ulat ng mga otoridad si Richard Cepeda Go, 58 anyos , na residente ng Pasig City, ay may kasong syndicated estafa o Article 315 ng Revised Penal Code kaugnay ng Presidential Decree No. 1689, sa ilalim ng Criminal Case No. 4550-S(23).

Dinakip si Cepeda sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Sanchez Mira ng Cagayan Regional Trial Court  Executive Judge Gemma Bucayun-Madrid.

Mabilis na natunton ang actor dahil sa isang tipster ang nagsumbong sa mga otoridad na si Cepeda ay nasa  Mabini St., Maypajo, Caloocan City dakong alas-11 ng umaga .

Kaya naman agad na nagtungo ang mga operatiba bitbit ang warrant of arrest  laban sa kanya. Agad na binasahan ng Miranda Rights ang aktor . Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kanya.