
PATAY ang dalawang riding -in -tandem makaraang hindi huminto sa isinagawang Oplan Sita ng mga awtoridad ngayong Miyerkules sa ML Quezon Avenue Extension – Madrigal Road Barangay Pantok, Binangonan , Rizal .
Base sa inisyal na ulat ng pulisya , bandang alas 2:45 ng madaling araw nang sitahin ng mga pulis ang dalawang magkaangkas na suspek dahil sa walang suot na helmet.
Imbes na huminto ang mga suspek ay agad pang tumakas papalayo kaya hinabol ito ng mga pulis hanggang sa nakarating sa Quarry Road.
Agad na bumunot ng baril ang isa sa suspek at pinaputukan ang mga pulis ngunit nakaligtas ito dahil sa suot na bullet proof.
Humantong sa kamatayan ang mga suspek na hanggang ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang kanilang pagkakakilanlan.
Habang narekober naman ang motorsiklo na ginamit na naiulat na ninakaw malapit sa lugar .