June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

Romualdez inilunsad ang CARD Program sa Zambales

Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglulunsad ng Cash and Rice Distribution (CARD) program sa multipurpose gym ng Munisipyo ng Iba sa Zambalez Sabado (Ene. 27, 2028). Isang pinagsamang inisyatiba ng Kapulungan ng mga Kinatawan at ng Department of Social Welfare and Development, ang programa ay naglalayong tulungan ang mga mahihirap, senior citizens, PWDs, at solo parents. Dumalo rin sa naturang okasyon sina Mayor Irenea Maniquiz-Binan, Botolan Mayor Jun Omar Ebdane, Gobernador Hermogenes Ebdane Jr., 2nd District Rep. Doris Maniquiz, iba pang miyembro ng Kamara sa pangunguna ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ng ang probinsya.