Paglulunsad ng “Sabayang Pagpapasuso” ng ina sa kaniyang sanggol na ginanap sa bayan ng Aringay, La Union sa panunguna ng DOH-Ilocos Region.
INILUNSAD ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region ang “sabayang pagpapasuso” sa probinya ng La Union sa Ilocos Region upang palakasin at itaguyod ang halaga ng pagpapasuso bilang tradisyon at pangangalaga sa sanggol.
Ang programa ay ginawa bilang paggunita sa National Breastfeeding Month ngayong buwan ng Agosto.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV, layunin ng program na mabigyan ng wastong kaalaman ang mga ina sa kahalagahan ng eksklusibong pagpapasuso gamit ang sarili nilang gatas sa unang anim na buwan ng sanggol.
“We aim to highlight the benefits and significance of exclusive breastfeeding and the health benefits and nutrition it provides for the development of the infant’s immunity,” pagsasaad pa nya.
Ayon pa ka Dr. Bobis, hinihikayat nila ang mga lokal na pamahalaan sa mga iba’t-ibang probinsya na magdaos ng programa sa sabayang pagpapasuso upang lalong mapag-ibayo at matiyak ang pagiging malusog at maayos na paglaki ng mga sanggol.
Ang unang “sabayang pagpapasuso” ay ginawa sa municipalidad ng Aringay, La Union noong Ikalawang lingo ng Agosto at dinaluhan ng 50 mommies.
Isinagawa rin ang aktibidad sa bayan ng Naguilian, La Union nitong nakaraang linggo.
Pinaalalahanan naman ni Regional Director Paula Paz M. Sydiongco ang mga nanay na, hindi kayang pantayan ng powdered milk o anumang infant formula ang gatas ng ina sapagkat ito puno ng sapat na nutrisyon na kailangan ng isang sanggol upang sya ay lumaking ligtas sa sakit.
“Exclusive breastfeeding strengthens the emotional bond between mother and child and helps reduce social and behavioral problems in both children and adults. It also helps builds an infant’s trust and shape the early behavior of babies,” paliwanag pa ni Dr. Sydiongco.
