May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

Sabayang Panata

Ni:Crema Limpin

Sa hangaring tiyakin ang isang tapat, maayos, malinis at mapayapang halalan sa Mayo, sabayang lumagda sina Binangonan, Rizal Mayor Cesar Ynares, kasama ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Commission on Elections (Comelec), mga kawani ng gobyerno, mga lider ng simbahan at iba pang kinatawan mula sa iba’t-ibang sector, sa isang panatang kalakip ng Secure, Accurate, Free/Fair, National and Local Elections (SAFE) 2022.