
Dumalo ang pinagsama-samang senior citizen at Kabataan sa Barangay Makiling sa Ciudad Verde sa Barangay Makiling sa Calamba City, Laguna upang makadaupang palad ni dating TV anchor at reporter na ngayo’y tumatakbong gobernador na si Sol Aragones upang maghandog ng munting regalo sa mga residente roon. Matapos ipakilala ang kanyang sarili bilang dating kongresista ng 3rd District ng lalawigan ay ipinakita rin ni Aragones ang kanyang sinseridad sa pagtakbo bilang susunod na gobernador upang mas marami ang kanyang matulungan.Sa katunayan ay nakapagbigay na si Aragones ng higit sa 50,000 saklay, walker at tungkod, maging ang daan-daan pang BP at pang test ng blood sugar ay kanyang naipamahagi na rin sa mga nangangailangan Lagunense.