
PORMAL nang pinasinayaan ang pagbubukas ng Sentro ng Patanghal ngayong pagdiriwang ng ika-15th Cityhood Anniversary ng Binan mula Pebrero 2- 4 sa pangunguna ng mga opisyal ng lungsod na sina Mayor Arman Dimaguila, Vice-Mayor Gel Alonte at Congresswoman Len Alonte kasama ang panauhing pangdangal na si National Artist for Music na si Ryan Cayabyab kung saan binigyang pagkilala sa kahalagahan , pagsuporta at pagpapayaman ng kultura ,kasaysayan at sining sa lungsod ng Binan.