June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

Sex offender naharang ng Valentine’s day ng Immigration

Ni Alex dela Cruz

HINDI pinapasok sa bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang isang British sex offender makaraang maharang sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) ito  noong Valentine’s day, Pebrero 14.

Nakilala bilang si Mark Andrew Bowman, 54 anyos   na sakay ng Singapore Airlines mula sa Singapore.

Sinabi ni Browman na  manatili siya sa Brgy. Basak, Lapu-Lapu City ng halos isang buwan.

Nang maberipika ito ng BI may record ito ng pagkakakulong sa ilalim ng seksyon 29(A)3 at dating na-convict  dahil sa kalaswaan kung saan ang biktima ay isang sampung-taong gulang na bata.

“Pinupuri namin ang mabilis at desididong aksyon ng aming mga opisyal sa imigrasyon sa MCIA sa pag-intercept sa sexual predator na ito, at nananatili kaming matibay sa aming pangako na tiyakin ang integridad ng ating mga hangganan,” sabi ni Tansingco.

Agad na ipinagbuklod si Bowman sa susunod na available flight pabalik sa kanyang bansa ng pinagmulan.

Inilagay na sa listahan ng blacklisted ng BI upang hindi na ito bumalik sa Pilipinas.