June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

Sokor wanted ipapa-deport ng BI

Ni Alex dela Cruz

IPADE-DEPORT ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean national na wanted sa bansang ng Seoul dahil sa pagkakasangkot sa telecommunications fraud.

Naaresto si Kwon Hyuckkeun, 41-anyos noong nakaraang Huwebes sa kanyang tirahan sa E. Rodriguez St., Quezon City ng mga tauhan mula sa fugitive search unit (FSU) ng BI.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco bitbit ng mga tauhan ang deportation order ng BI laban kay Kwon dahil sa pagtakas nito at undesirable alien.

Blacklisted rin ito sa listahan ng BI at overstaying dahil huling dumating sa Pilipinas noong Nobyembre 26, 2018 o mahigit limang taon na ang nakalipas.Kaya naman pagbabawalan na ring bumalik pa sa bansa ang Koreano at ipapadeport ito sa lalong madaling panahon.

Sangkot si Kwon sa pagtatayo ng isang sindikato na gumamit ng voice phishing sa panloloko ng marami nilang kababayan na inaalok ng mababang interes sa mga utang kapalit ng personal na impormasyon sa kanilang mga credit card kung saan ay kumita sila ng higit sa 12 milyong won, o halos US$9,000 mula sa kanilang panloloko .

Si Kwon ngayon ay nakakulong sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang naghihintay ng kanyang deportation.